PRINCESS URDUJA

Breaking News, Indepht Analysis

Nakakahiya na ang mga Kritiko at Pulitiko sa Mangaldan


(Reprinted from Abante Metro)

Nakakahiya na ang mga pinag-gagawa ng mga miyembro ng Sanguniang Bayan (SB) ng Mangaldan.
Hanggang ngayon ayaw pa rin nilang aprobahan ang P40 million na loan ni Mayor Bonafe de Vera-Parayno para sa pagpapatayo ng Phase -2 ng nasunog na public market.

POGI, BONA, AND MACHETE: Board Member Amado “Pogi” Espino III receives a token plaque of appreciation composed of a set of the town made machete from Mangaldan Mayor Bonafe de Vera-Parayno  (2ND From left) and the members of the Sangguniang Bayan (council) when he graced the coronation of Mrs. Mangaldan held at the town’s public plaza in the night of March 8.

POGI, BONA, AND MACHETE: Board Member Amado “Pogi” Espino III receives a token plaque of appreciation composed of a set of the town made machete from Mangaldan Mayor Bonafe de Vera-Parayno (2ND From left) and the members of the Sangguniang Bayan (council) when he graced the coronation of Mrs. Mangaldan held at the town’s public plaza in the night of March 8.


Ang natapos na Phase-1 ay pinagkikitaan na ng Local Government Unit (LGU) ni Mayor.
“Tatlong beses na ang kita na natatanggap ng kaban sa Phase-1 magmula ng pinatayo iyan,”ani Mayor Bona ng kapanayamin siya ng Abante Metro kamakailan.

Kung naipatayo na kaagad ang Phase II noong isang taon mas malaki na sana ang kinikita ng bayan ng Mangaldan.
Crab liked Politics in Mangaldan
“Hindi naman ito proyekto ng bagong municipio o bagong SB building na inutang sa banko para sa ego at para may paghahatihati-an ng corrupt na mayor at mga kagawad sa loan. Itong Phase-2 ay income generating project,” ani ng isang taga Mangaldan na nakakaalam sa mala-talangkang pulitika ng bayan.
Hindi daw maiintindihan ng nakakarami sa bayan na ito kung bakit ayaw aprobahan ng SB ang loan.
“Paano kasi tinanggal ni mayora ang pork barrel nila,” ayon sa source.
“Noong panahon ni Mayor (Herminio) Romero at (Berex) Abalos sila Councilors Fabia, Abalos, Meneses, Cabrera ay inaprobahan iyong P40 million na loan sa Land Bank pero noong ako na ang naka-upo ayaw na nilang maglabas ng resolution,” ani Mayor Bona.

Mga na Revoked na Resolutions ng SB
Pero ayon sa observer bakit mas gusto ng SB na magpasa ng urgent na
Resolution No. 2014-28 dated April 21, 2014 and Resolution No. 2014-29 .
Resolution No. 2014-28 ay Requesting the municipal mayor, Honorable Bona Fe de Vera to implement mayor’s permit No. 0923 issued on March 14, 2014 xxx.
Ang Resolution No. 2014-29 ay requesting the municipal Mayor Honorable Bona Fe de Vera-Parayno and the chief of police, Police Superintendent Jackie C. Candelario to stop the operation of drop ball, xxx.

Ano ba ang meron diyan sa resolutions urgently asking the mayor to sign the business permit of Engineer Flores at sa naglilipana daw na sugal na Drop Ball.
“Siguro baka may porsiyento sila diyan sa drop ball at iba pang illegal na sugal sa peryahan na iyan,” ayon sa source.
Sa pagkaka-alam ko magmula pa sa panahon ni Mayor Bening Gubatan nandiyan na sa perya ang negosyo nila Flores.
Ayon sa source ko ni revoked ni Mayor Parayno ang permit sa amusement business ni Flores kahit napermahan na niya dahil nasingitan siya ng isang nakapasok sa office of the mayor.
Dahil diyan sa pag revoked nanggagala-iti ang mga miyembro ng SB at si Brgy. Poblacion Kapitan Joselito Quinto at mga kagawad.Sila Quinto at mga kagawad niya ay nagsampa pa ng criminal at administrative cases sa Ombudsman laban kay Mayor Bona, (Chief of police) Supt. Jacky Candelario, Dr. Jorge “Jing” Torralba, at Emma Ibasan dahil, ha ha ha sa business permit ni Flores na hindi inaprobahan at sa alleged drop balls na naglilpana dahil sa peryahan daw ni Ibasan.
“Mantakin mo ng pinuntahan ng members ng SB ang peryahan ni Ibasan wala naman silang nakitang drop balls kung hindi mga legal na palaro gaya ng ferry’s wheel,” ani ng source.
Detractors, SB tulungan niyo na lang si Mayor Bona

Members of the Sanggunian Bayan (legislature) suspended the rules for Mayor Bonafe de Vera-Parayno to deliver her speech.

Members of the Sanggunian Bayan (legislature) suspended the rules for Mayor Bonafe de Vera-Parayno to deliver her speech.


Tsk, tsk, tsk mas maraming bagay na dapat gawin ng SB diyan sa Mangaldan kaysa mag pulis-pulisan sa pagbabantay ng drop ball na para bang life and death na ang situation sa Mangaldan.
Tulungan niyo na lang si Mayor Bona sa momentum ng pagsikat at pag unlad ng bayan niyo.
Dahil sa kanya pinag-uusapan na ang Mangaldan hindi sa mga di mabilang na kurakot sa nakaraang administrasyon kundi sa excellent governance ng pagiging No. 1.
No.1 sa Cleanest, Safest, and Greenest sa Pangasinan; No. 1 Most Statistically Developed LGUs, No. 1 sa Best Float Award sa Province,

Noong nakaraan lang, recipient ang bayan niyo sa Seal of Good House Keeping.
Hindi pa iyan. Ang Mangaldan ay magiging Trading Center na ng hayop gaya ng kalabaw sa Regions 1 and 2 kung saan ang traders ay magkikita-kita sa bayan kada Wednesday gaya sa ginagawa nila sa ibang araw sa Urdaneta City at San Carlos City.
O meron pa, malapit na magbukas ang Chowking sa bayan ninyo matapos aprobahan ang business permit nila ni Mayor Parayno.
Maganda na rin ang One-Stop shop niyo sa municipio kung saan ginastusan lang ng administration ni Bona ng mahigit P1 million, at kung madayo kayo sa 3rd Floor ng municipio inuumpisahan ng gawin ang Multi-Purpose Social Hall at Disaster Area na ginastusan lang ng P2 million, thanks but not thanks sa hindi pagsuporta ng SB. Ang funds dito ay hinugot sa 20% Development Fund ni Mayor.
Mangaldeneans, ano pa ba ang gusto ninyong mangyari sa bayan niyo? Ayan o andami dami ng awards at proyekto kahit walang suporta ang mga “Honorable Gentlemen and Women” sa SB niyo. Ano pa kaya kung magsama sama kayong lahat para itaguyod ang kaunlaran sa bayan niyo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 4, 2014 by .
%d bloggers like this: