PRINCESS URDUJA

Breaking News, Indepht Analysis

SB ayaw payagan si Mayor Bona sa P40M loan

MANGALDAN – Ang mayor ng first class town na ito ay nanlulumo sa mga paikot na pinaggagawa ng mga miyembro ng Sangguinang Bayan na huwag siyang payagan na humiram ng P40 million loans sa Land Bank of the Philippines (LBP).

AWARD WINNING MAYOR: Award winning Mangaldan Mayor Bonafe de Vera-Parayno keeps receiving awards from the provincial government headed by Governor Amado T. Espino

AWARD WINNING MAYOR: Award winning Mangaldan Mayor Bonafe de Vera-Parayno keeps receiving awards from the provincial government headed by Governor Amado T. Espino

Ang P40 Million ay gagamitin sana sa pagpapagawa ng Phase-2 Complex ng public market dito.
Aniya ni Mayor Bona ang pagpapagawa ng Phase 2 ay hindi lang makakapag bigay ng trabaho sa mga nawalan ng puesto noong kinain ng apoy ang old market noong taong 2009, kung hindi ito ay gagawin na isang income generating project na makakatulong ng malaki sa bayan na ito.
Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang hindi magandang relasyon ni mayora at SB ay nangyari ng pinalso niya ang P3.2 million na bawat ta-on na Barangay Infrastructure Assistance (BIA) na tinataguriang illegal pork barrel na nakasanayang natatanggap ng mga kagawad sa mayor.
Sabi ng informant ng diyaryong ito, halos lahat ng SB sa mga bayan at siyudad sa Pilipinas ay mayroon ganitong pork barrel pansuhol sa mga kagawad para sila ay pumayag sa mga batas na gustong ipasa ng alkalde.

Ayon sa source ito ay walang pinagkaiba sa mga miembro ng Kongreso gaya nila Senators Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla, at Jinggoy Estrada na nakasuhan sa pagbulsa ng pondo ng gobyerno.
Tinanggal ni Mayor Bona ang BIA matapos pagsabihan siya ng Commission on Audit na illegal ang pagamit ng mga mambatatas na inaatasan ng batas para gumawa ng ordinansa at resolution at hindi ang pag implement ng mga proyekto.
Hindi maintindihan ni Parayno kung bakit ang mga councilors ay ayaw aprobahan ang P40 million kung saan ito ay mapapagkitaan sa pamamagitan ng mga renta ng stall owners.
Ani ni Mayor ang amortization sa LBP sa unang loan na P60 million ay nanggagaling sa renta ng mga vendors doon.
Sabi pa niya na kumpara sa year-on-year basis noong February 2013 kontra sa February 2012 ang koleksiyon sa First Phase Complex ay sobra ng P300,000.
“Nitong Pebrero ang koleksiyon ay mga P830,000,” ani ng source.
Nagtataka si Bona kung bakit halos lahat ng mga kagawad ngayon na bumoto sa credit line na P100 million sa LBP noong panahon nina dating Mayors Hermino Romero at Berex Abalos ay tinatangihan nila siya na kunin na sa LBP ang naiwang P40 million.
Ayon sa LBP na kinulit si Parayno na kunin na ang naiwang P40 million, ang bayan na ito ay may kakayahan na umutang ng hanggang P200 million.
“Lumalakas ang kita ng bayan na ito. Ngayong taon lang ang annual appropriation namin dito ay umabot ng P180 million. Taon taon lumalaki ang kita ng Mangaldan,” ayon sa source.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 20, 2014 by .
%d bloggers like this: