PRINCESS URDUJA

Breaking News, Indepht Analysis

Pacquiao eyed Senate (target mga BOBO-TANTE sa 2016 elections)

Pacquiao confirms Senate ambition…(target mga BOBO-TANTE sa 2016 elections)
PACQUIAO, HINDI PA BA SAPAT SA IYO ANG KASIKATAN AT KAYAMANAN KAYA GUSTO MO PANG MAGKAROON NG LABIS-LABIS NA KAPANGYARIHAN ?

Sa lahat ng laban ni Pacquiao sa boksing ay suportado siya ng sambayanang Pinoy, pero sana ay mag-isip-isip ang mga bobo-tante, dahil ibang larangan ang serbisyo-publiko sa sports. Image
Ang kailangan ng mamamayan na mailuklok naman sa Senado ay mga statesman, makabayan, anti-korap, anti-pork barrel, anti-dynasty, pro-FOI (freedom of information) bill, hindi nagpapakatuta sa Pangulo, may paninindigan, handang makipag-debate para sa interes ng sambayanan, may malalim na kaalalam sa suliranin/kakulangan ng bayan upang makapag-ukit ng batas para lutasin ang suliraning ito at may angking-talino sa paggawa ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan AT HINDI MAGPAGAWA NG MGA PROYEKTONG MAY KOMISYON AT KICKBACK…

Maawa tayo sa ating bayang naghihirap habang ang mga senador natin ay nagiging mga bilyonaryo, sa kanilang hinahawakang kwarta na dapat sana’y ginagastos sa mga proyekto ngunit kadalasan ay napupunta sa kanilang mga mansion, gusali at sasakyang pampersonal. 
Isa ring mahalaga na huwag tayong magdagdag pa sa Senado ng isa pang magpapayaman gaya ng marami sa mga kasalukuyang nakaupong mga senador. Sayang nga at nawala na sina Joker Arroyo at Ping Lacson, ang dadalawang Senador na hindi tinanggap ang kanilang PDAF na umaabot sa sobra sa isang bilyon sa anim na taong termino ng isang Senador. Meron kayang nagpapapiling Senador na susunod sa ginawa nitong dalawang magigiting na taong wala na ngayon sa Senado ?
Sa kasalukuyan kasi, bagamat idineklara ng illegal ang PDAF, pero ang pondong nakalaan dito ay ginagamit pa rin ng mga senador at kongresista sa pamamagitan ng INSERTIONS, LINE-ITEMS at REALIGNMENTS…

Pakiusap, huwag na nating dagdagan ang mga tulad nina Lito Lapid, Nancy Binay at Bam Aquino sa Senado…maawa na kayo sa taumbayan…SUPORTAHAN NATIN ANG BAWAT LABAN NI PACQUIAO SA BOKSING, PERO IBASURA NATIN ANG KANDIDATURA NIYA SA PAGKA-SENADOR…HINDI LANG ANG APELYIDONG PACQUIAO, KUNDI ANG IBA PANG KAKANDIDATONG WALANG KAKAYAHANG MANUNGKULAN SA SENADO, KUNDI KAYA LANG KAKANDIDATO AY DAHIL sila ay sikat, kamag-anak ng mga sikat na pulitiko, artista at atleta…

Pacquiao confirms Senate ambition
https://ph.news.yahoo.com/pacquiao-confirms-senate-ambition-170342611.html

para sa mamamayan, plis repost & share…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 12, 2014 by .
%d bloggers like this: