PRINCESS URDUJA

Breaking News, Indepht Analysis

Vitangcol ng MRT, idiniin ng Czech diplomat sa umano’y extortion try

Nagsalita na si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar tungkol sa umano’y $30 milyong tangkang pangingikil ng isang opisyal ng Metro Rail Transit  (MRT) sa isang Czech company para makuha ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon para sa MRT III.

Sa exclusive report ni Jun Veneracion sa GMA news “24 Oras” nitong Miyerkules, ipinakita ni Rychtar ang bahagi ng kanyang bahay kung saan nangyari raw ang pagpupulong nila ni  MRT General Manager Al Vitangcol III para pag-usapan ang pagkuha umano ng Czech company na Inekon Group ng kontrata para sa suplay ng mga bagong bagon.

Kasama raw ni Vitangcol ang ilan pang tao sa pagpupulong na naganap umano noong Hulyo 2012. Dito raw naganap ang paghingi ng grupo ni Vitangcol ng $30 milyon para makuha ang kontrata sa mga bagong bagon ng MRT.

Habang nasa pulong, may tinatawagan daw sa telepono ang kasamang tao ni Vitangcol.

Well there is nothing new.

Nagsalita na si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar tungkol sa umano’y $30 milyong tangkang pangingikil ng isang opisyal ng Metro Rail Transit.

“In the discussion they had to consult, only this person can decide, Mr. Vitangcol is the head of the MRT…I think that he’s behind this corruption,” pahayag ng embahador.

Nang tanungin ang opisyal kung sa tingin niya ay may nagbibigay ng proteksiyon kay Vitangcol na humahawak ng mataas na posisyon sa gobyerno, tugon ni Rychtar:

“If you follow all the case, if you follow all the problems arising now in the MRT, you can see that Vitangcol has a very very firm position. And nothing can move his chair, so I think that he is covered, he’s protected,” anang diplomat.

Isinumbong daw ni Rychtar kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Jun Abaya, ang nangyari pero inabsuwelto ng ahensiya si Vitangcol sa naging resulta ng imbestigasyon dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Nadismaya ang dayuhang opisyal sa resulta ng imbestigasyon at nasigawan pa raw siya ni Abaya matapos lumabas ang maling impormasyon nang madawit na sa kontrobersiya ang kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na si Ballsy Aquino-Cruz at asawa nito.

Sinabi raw ni Rychtar kay Abaya na wala raw itong katotohanan at ipinakalat lang daw para ilihis ang imbestigasyon.

Kinumpirma naman ng DOTC ang naganap na pagpupulong nina Rychtar at Abaya pero mayroon silang ipinagtataka.

“Sinasabi niyang Abril [2013] ay nag-report siya kay Sec. Abaya nang sinasabi niyang anomalya, ang tanong ko lang bakit  tumagal ng siyam na buwan mula nang sinasabi niyang insidente hanggang sa paglapit niya sa amin,” ayon kay Atty. Miguel Sagcal, tagapagsalita ng DOTC.

“Hinintay niya na magsimula na yung bidding para mabuksan ito sa lahat at mga interesadong grupo noong Marso ng 2013 bago siya lumapit sa amin,” dagdag ni Sagcal.

Bukas naman daw ang DOTC na muling imbestigahan si Vitangcol at handa silang tumanggap ng mga bagong ebidensiya lalo na raw kung galing kay Rychtar.

Nagsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation tungkol sa umano’y tangkang pangingikil.

Sabi ni Rychtar, sinabihan na raw siya ng NBI na tapos na ang imbestigasyon pero hindi sinabi sa kanya kung ano ang resulta.

Sinikap ng GMA News na makunan ng pahayag sina Vitangcol at Abaya pero hindi sila sumasagot sa mga tawag at text.

Nasa mga pulong din daw ang mga naturang opisyal.

Sa liham dati ni Vitangcol sa DOTC, itinanggi niya na sangkot siya at ilan pang mga opisyal ng ahensiya sa tangkang pangingikil. — FRJimenez, GMA News

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 3, 2014 by .
%d bloggers like this: