PRINCESS URDUJA

Breaking News, Indepht Analysis

BIR Boss sa Pangasinan Gwardiyado, May Banta na Papatayin

(REPRINTED FROM BIRADOR NG MASA)

 

Image

Atty. Nasrollah Conding, Hepe ng BIR Revenue District Office-6

Ano ba naman itong nilipat na mga revenue district officers (RDO) dito sa Pangasinan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares?

Bukod sa hindi nagpapakita sa mga kliyenti ng BIR, laging nakasarado ang mga pintuan ng mga opisina nila sa mga ta-o.

May kinakatakutan ba ang mga ito? Malayong malayo sila doon sa mga pinalitan nila noong Setyembre noong nakaraan na ta-on.

Itong si Revenue District Office-4 chief Renato Molina na may hawak ng Central Pangasinan ay halos ayaw makipag-usap sa mga media na pumupunta sa kanya para humingi ng paliwanag sa mga reklamo ng tao sa  BIR. Ang pagka-alam ko dito tinapon itong si Molina ni Henares sa Pangasinan dahil kulelat siya sa koleksiyon sa Valenzuela City na sampung beses ang laki sa RDO-4 sa Calasiao.

Ito namang si Attorney Nasrollah Conding na isang Muslim na abogado, ay nanggaling ito sa  Pagadian City sa Mindanao.

Ayon sa mga ta-o sa mga business establishments na katabi ng opisina  ni Conding sa Urdaneta City, siya ay hindi lang napapaligiran ng dalawang armadong pulis, kung hindi nag dala pa ito ng mga body guards niya na mga Muslim na armado at may mga mahahaba na balbas na nakabantay sa kanya.

“Natatakot ang mga empleyado at mga ta-o diyan sa RDO-6 kasi parang war zone dahil meron daw banta na papatayin si Conding. Noong isang ta-on pinatay sa pamamagitan ng pagbaril si Jose “Jojo” R. Labonete, chief Assessment Division ng RDO-6, na napag suspetsahan na nang-agrabyado ng mga kliyente diyan,” ayon sa mga empleyado ng mga BIR.

Ayon sa source natin, hindi na daw umuuwi sa kanyang ni-rerentahan na apartment sa Urdaneta City itong si Conding at mga body guards niya dahil natatakot sila na ambusin sila sa kalsada.

Mukhang matindi ata ang mga nagbabanta na papatayin si Conding. Ano kaya ang atraso nito?

Si Conding ay nangaling sa Pagadian kung saan si Manuel Amalilio ay nanloko ng mga libo-libong ta-o sa Cebu at Mindanao sa kanyang Aman Future Groups na isang get rich- quick pyramid. Ayon sa media, mahigit P12 billion ang na denggoy ni Amarillo simula na mang racket siya noong kalagit-naan ng taong 2012.

Marami sa mga niloko ni Amarillo ay mga matataas na opisyal ng military at pulis sa Mindanao. Pati na rin mga  Muslim doon ay naloko rin.

Ayon sa Philippine Star noong July 29, 2013 itong si Conding ay ni abduct habang siya ay nag da-drive ng kanyang Hyundai Accent with plate number KFS 692. Hindi sinabi ng Star kung bakit siya ay ni kidnapped at paano siya nakalaya sa mga kidnapers niya.

Dahil hangang ngayon ay kulelat sa tax collection itong RDOs 4 and 6, ganoon din ba doon sa RDO-5 sa Alaminos City kung saan si Emir Abutzil na isang Muslim rin ang nilagay ni Henares na bossing doon?

Commissioner, mukhang hindi bilib ang mga taga-Pangasinan dito sa kay Molina, na laging umuuwi sa Manila, at Conding. Dapat dito sa kanila ipatapon sa Bisayas at Mindanao. Bukod sa may banta sa buhay, ayaw ng mga ta-o dito ang mga kulelat  sa tax collection at ayaw makipag harap sa mga taxpayers.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 16, 2014 by .
%d bloggers like this: